Mga limitasyon sa airline credit
Ang mga airline ticket ay may mga patakaran sa pamasahe na naglalaman ng mahahalagang detalye tulad ng presyo, kung maaari bang ma-refund, at kung may karagdagang bayarin kapag binago o kinansela ang booking. May ilang airline ticket na pinapayagan ang pagkansela.
Nakadepende sa mga patakaran ng pamasahe ng binili mong ticket at sa dahilan ng pagkansela, maaaring maibalik ang halaga ng ticket (buo o bahagi lamang) o ibigay ito bilang airline credit. Sa ilang pagkakataon, maaari kang pumili kung magbabayad ng cancellation fee at makakatanggap ng bahagyang refund, o kaya'y tumanggap ng flight credit para sa buong halaga ng booking.
Kung paano mo magagamit ang credit para sa susunod na biyahe ay nakadepende sa airline, dahilan ng pagkansela, at mga patakaran ng orihinal na ticket.
TANDAAN: Kapag bibili ng ticket, tiyaking basahin nang mabuti ang mga patakaran ng pamasahe upang malinaw sa iyo kung maaari bang ikansela ang ticket, kailan ka maaaring bigyan ng credit, at paano mo magagamit ang credit na iyon kung ibibigay man. Kung may mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming ahente.
Bago kanselahin ang ticket
Tiyaking suriin muna ang cancellation policy ng airline, mga patakaran ng pamasahe, at mga limitasyon sa paggamit ng credit bago ituloy ang pagkansela ng ticket.
Mga paalala sa paggamit ng credit
Narito ang ilang mahahalagang paalala kapag gagamit ng credit. Mainam na malaman mo rin ang mga ito bago kanselahin ang ticket para alam mo ang iyong aasahan sakaling makatanggap ka ng credit.
- Tingnan kung kailan mag-e-expire ang credit na ibinigay sa iyo. Halimbawa, maaaring magsimula ang bisa nito mula sa petsa ng orihinal na pagbili, at hindi mula sa petsa ng orihinal na biyahe. Maaaring magkaiba-iba ito depende sa airline.
- Tingnan kung kailan mo maaaring gamitin ang flight credit. Maaaring mag-iba ito depende sa airline.
- Tingnan kung kailan mag-e-expire ang halaga ng credit.
- Suriin ang mga sumusunod:
- Ang credit o voucher ba ay para lamang sa parehong flight o maaari ring gamitin sa ibang flight?
- Maari bang gamitin ang credit para sa ticket na mas mababa ang presyo? Kung oo, maaari bang gamitin ang natitirang halaga para sa susunod na ticket?May ilang airline na hindi pinapayagan ang bahagi-bahaging paggamit ng credit.
- Pwede bang gamitin ang credit voucher para sa basic economy na pamasahe? O para lamang ba ito sa mas mataas na klase ng upuan (upgrade)?
- Ikaw ba ang kailangang magbayad ng dagdag kung mas mataas ang presyo ng bagong ticket kaysa sa halaga ng iyong credit?
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo